Hi there…I bought a book this last Saturday (January 21) entitled Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan written by one of my favourite authors, Bob Ong. I love reading tagalong books. Reading a novel is like hearing a story. Each time I read whether English or tagalong, I try to let my imagination run in my mind. In reading and writing, there should be something in it that would attack the thoughts and emotions of a person but then, the only way to impact a person’s life totally is to attack his or her emotions…para maisip nila…”Ay, ganito pala ko at dapat ng may magbago”…When you read, you rely on your imagination and consciously and unconsciously, you give your opinion while giving away your self. Sa pagbabasa, dapat di lang ang libro ang open..dapat pati isip at puso. Bibihira ang author na kayang pasukin ang sisidlan ng isipan ng tao. Pag natagpuan mo yung author na yun, let yourself be “in” the book.
Yung mga libro ni Bob Ong patuloy na pinaglalaruan ang isip ko. Pinapangaralan ako at alam ko di lang ako ang nahihiga sa mga ideyang inilalatag nya, kundi ang mga kabataang gaya ko na tumatangkilik sa akda nya.
Hindi ko alam ang tunay na dahilan sa likod ng pagsulat nya sa nobelang binaggit ko pero sigurado ko na majority sa mga nakabasa nito lalo na ang mga kabataan, nakarelate.
“Nagdarasal ka ba? Hindi ka maliligtas ng diyos mo. Sarili mo lang naman ang dino-diyos mo, hindi ba?”
We tend to be the god of our own. We only pray when we need Him but the question is, to whom do we really devote our prayers? And if we really believe that God exists, who is our God? Could it be… ourselves?
My God is the reason why I’m breathing. The reason why I learned to love and be loved. The reason why I have faith…
Sa panahon ngayon, ikinakaila ng tao ang pangangailangan sa Diyos habang patuloy silang nauulol sa pagsamba sa sarili at sa mga bagay na likha ng teknolohiya. Kung mabuti ba ang nagging dulot ng sibilisasyon, hindi na yun mahalaga sa’ken.
Ang sanggol na isinilang at lumaki sa kagubatan ay namumuhay sa kapaligiran kanyang kinalakhan. Wala syang cell phone pan text sa mga katribo nyang nais ligawan samantala ang sanggol na isinilang at lumaki sa siyudad, hindi mabitawan ang cell phone dahil baka magtext ang crush nya kung minsan pa sex na ang hobby kaya nagiinternet. Kung san ka lumaki ay siyang nagdidikta ng pangangailangan mo at nais mo. Ito ang kumokontrol sa buhay mo. Dito ka umaasa, dito ka nagpapakasasa.
Ang katotohanan ay ayaw talaga naten sa pagbabago. Bangungot ang kahapon, ang kinabukasan ay nakapangingilabot ang kasalukuyan ay kay hirap takasan. Masakit man isipin, and Diyos ay atin lamang ginagawang takbuhan ngunit hindi buhay.
Sana lahat tayo, malaman ang tunay na Diyos na all this time malaya tayong hinahayaan na diskubrehin ang buhay na gusto naten. At sana,,,sa huli, Siya pa rin ang alayan naten ng panalangin, pasasalamat at papuri at hindi ang sarili naten at ang mga kaaway at ANG MGA KAIBIGAN NI MAMA SUSAN.