Monday, August 21, 2017
Kita Kita
Watching Kita Kita is very memorable for me. It was my first time to watch a movie in a cinema all alone. It was a bit weird because the clerk asked me when I was about to enter the movie house, "Magisa lang po?" and when I was inside, I was surrounded by lovers and cliques. It felt like I was the only one who bravely watched a romantic movie without a date. Oh I guess, it's one of the first's that is worth trying.
Anyway, I'm here to provide my thoughts on the movie and I'll do it the way Tonyo and Baby Dragonfly summarized their story.
10. It's ok to be alone. I wish I could watch it with someone special but nahh... I'm better off alone.
9. It's a great movie. I thought I was going to laugh the whole time but I ended up crying.
8. It's ok to cry inside the cinema. Come on people, lights are off!
7. Stress causes blindness. I am "stressedly" in love with you. That must be why I blindly followed you. Char!
6. Height doesn't matter. Feelings do.
5. Japan is beautiful. I have to go there someday.
4. Open the basket. I have to play it with my crush!
3. Aishiyu is good for the body but seenzoning is bad for someone else's heart. Get what I mean? Watch it.
2. No matter how nice you are, someone's meant to betray you.
1. I REMEMBER EVERYTHING.
More? Let's do a more serious count down and I'll apply it to my life.
10 - beses at higit pa na paulit ulit kong sinabi sa sarili kong kakalimutan kita pero ten-genang yan, paulit ulit pa rin akong bumabalik sayo.
9 - kaarawan ni ate. Nagoffer ka na bibilhan mo sya ng cake dahil tinulugan ka nya pero samantalang nung birthday ko, ni wala ka man lang magawa para sakin.
8 - birthday mo. Lagi akong may naiisip na pang surprise kasi gusto ko maging masaya ka. Hindi ko nga lang matuloy dahil di naman tayo.
7 - August. Nagsimula ako sa bagong work kasama ka at ayun nakita kita at pinagpalit mo na ko sa iba.
6 - numero ng tropa natin.
5 - na lang tayo ngayon.
4 - pm out mo at ako naman 3:30. Araw araw kitang hinihintay kasi gusto kitang kasabay o sadyang maliligaw lang ako pag hindi.
3 - beses kong hiniling na manatili ka dahil kailangan ko ng kausap. Tatlo at higit pa mo rin ako iniwan.
2 - beses kitang tinanong kung ayus pa ba na manatili ako sa iba. Sa dalawang magkaibang panahon, parehong tanong, nagkaiba ang iyong sagot. Di ko na alam ang totoo.
1 - ikaw ang una at nagiisang pinagkatangahan ko ng ganito at aminin ko man o hindi, sayo ko pinaka nasaktan.
Ngayong araw na to, masama ang pakiramdam ko. Nasulat ko to at di ko alam kung pagsisihan ko ba sa susunod na araw. Sakaling mabasa mo to, sana di mo sabihing "madrama" ako. Sa totoo lang ayoko magpaliwanag. Napapagod na rin akong sundan ka. Natatakot ako na mawala yung "ako" dahil lang pinipilit ko yung "tayo". Nalilito ko. Ayoko sa nararamdaman ko. Wala naman tong silbi diba? Mali to. Wag ka magalala, di ako umiiyak ngayon. Nagiisip lang ako ng way para makalimutan na kita. We don't deserve each other. I will never be your baby dragonfly kahit pa willing ako maging puso o saging sa buhay mo.
Labels:
alempoy,
baby dragonfly,
cinefilipino,
filipino,
kitakita,
tonyo
Subscribe to:
Posts (Atom)