Hindi pwedeng malungkot ako ng walang dahilan pero pano yun? eh wala naman akong dahilan para sumaya? Yung puso ko...parang...parang may kulang...hindi kumpleto. Hindi nagpafunction ng maige. At para bang ayaw...ayaw gawin ang bagay na matagal na nitong dapat nagawa kung hindi lang nabigo.
Minsan...sinubukan kong magtiwala. Akala ko totoo. Yun pala...hindi ko alam. Siguro may part na totoo pero panandalian lang. Niloko ko ang sarili ko, niloko nya ko. Hindi yun ganun kasakit dahil mga bata pa lang kame nun pero yung epekto siguro habang buhay na...Minsan gusto kong maniwalang may totoo pa sa buhay ko. Na balang araw pwede na ko magtiwala uli at di na mabigo. Na may magtatagal...pero alam ko naman in the first place ako talaga ang problema kaya hindi nangyayari yun eh. Kasi masyado ako attached sa past experiences ko. Iisa lang ang tingin ko sa lahat. Kahit kaibigan ko kasi natraydor ako kaya bakit pa ko magtitiwala? Kung ang kaibigan ko natraydor ako, anu pa ang iba? Kung minsan naiisip ko, masarap siguro mag open up sa isang di mo close. Makipag one on one tagayan.Yung taong kilala ka lang sa pangalan at sya din ganun at pagkatapos...kalimutan na ang nasabi. Umarte na parang walang naganap. Masarap siguro yung ganung feeling.
i mis my old self. Yung maldita, war freak and very confident. Yung kayang ipagsigawan sa madlang "ang ganda ko". Yung BABAENG AKO. Yung TUNAY NA AKO NA GUSTO KO ITAGO SANA...pero kasi hindi ko kaya. Ang dami ko gusto itago, itapon, kalimutan at ibahin. Pati nga gender preference ko minsan eh.
Ang totoo naiisip ko na rin minsan mag pakalalaki pero...ayoko eh. Lahat ng girls sa paligid ko, akbayan ko man, ibeso beso, lambingin, sabihan ng iloveyou, banatan...lahat sila...hanggang dun lang. May ibang lumalapit pero alam ko pa din siguro ang gusto ko. May mga nagiisip na lalaki ko and last November 15 lang..natanong ako sa inuman..."Kaibigan mo si loid, kaibigan mo si pearl, si nher, si mads, you've been with them and everyone knows kung ano ba talaga sila eh ang gusto ko lang malaman..curious lang ako, may girlfriend ka din ba?" at ang sabi ko lang..."Gusto nyo talagang malaman? ok sige. (tagay alak) NBSB, NGSB". yeah, maniwala man sila o hindi, tanungin man nila ang lahat ng butiki sa bawat sulok ng bahay namen o isama na rin naten ang nanahimik kong unan, pati na rin si Mr. Kupido...TOTOO yun. I never had a bf nor a gf. I've never been in a romantic bond. I have never been in a mutual partnership. Siguro nagkaron ng romance pero parang joke lang dahil wala namang nagtagal. Hindi ako sigurado kung nainlove na ko pero i admit, may gusto ako. Nagkagusto. at syempre hindi gaya ng movies, hindi ako nagustuhan.
Three main reasons bakit di pa ko ngjojowa.
1. hindi ako maganda.
2. hindi ako sexy.
3. hindi ako ma appeal.
in other words, di ako interesting. Sa twing may kwentuhan, ako yung "OO NGA. GANUN NGAYON","OH? GANUN PALA YUN? NOW I KNOW".
nakakatuwa. nakakabangag.
hmmm...Siguro malungkot ako kasi...wala akong taong mapagsabihan na malungkot ako. Kasi may mga taong nagsasabing "Andito lang ako para sayo..makikinig ako" pero pag sinimulan mo magkwento ang sasabihin lang nila "ok lang yan" at hindi naman sila talaga nakinig. Kasi may mga taong yayakapin ka habang umiiyak ka pero tatawanan ka lang. Kasi may mga taong sila lang ang pwede pakinggan pero di pwede makinig. Nalulungkot ako kasi life is unfair.
Pano naman ako? Naghahanap ako ng taong nakakaalam na hindi lang saya ang meron sa ngiti ko kundi lungkot, galit at kalokohan. Yung taong pwede ko isama sa sinehan ng di pinipilit. Yung taong pwede tumambay kasama ko sa kung saan saan. Yung taong makikinig din. Yung taong kaya akong tingnan ng mata sa mata hindi lang para sabihing may muta ako kunde para din sabihing "Bakit ka umiyak kagabi?". Yung taong pupunasan yung dumi sa labi ko hindi dahil nahihiya syang makita ng ibang taong may kasama syang madungis kunde dahil ayaw nya ko mapahiya. Yung taong magbibigay at pag suklian mo, itatago yung sukli. Yung taong kahit kaibigan ka lang at forever na magiging kaibigan lang sa buhay nya...hindi ka pababayaan. Kahit may iba ng nakahihigit, may puang pa rin sa puso nya kahit kunte...kahit kaibigan lang. Yung taong di ka iiwan kahit naman kinaibigan ka lang para lang makasama nya yun gusto nya talaga. Haha..too bad...walang ganun.
Ang kalungkutan ku...wala kumpara sa iba. Nakakatawang kalungkutan. putek ang drama.
No comments:
Post a Comment