MGA PAALALA NG PROPESOR:
1) “Mahirap magtrabaho. Mahirap kumita ng pera. AS IN. Mahirap mag-apply. Andami niyong kalaban... makita lang yung pangalan ng school niyo ise-set aside na ang papel mo…Kaya pag nakahanap ka ng trabaho, MAHALIN MO NG BUONG PUSO AT KALULUWA. Kasi baka hindi ka na makahanap uli, good luck na naman sa’yo.”
2) “…kung mag-kakaanak man kayo MAHALIN NIYO. Wag niyong iiwan. Wag niyong pababayaan. Tatandaan niyo, ang magulang maaring makapili ng anak pero ang anak hindi maaring pumili ng magulang. Walang magmamahal ng matalik dun kundi kayo. Kung ayaw niyo sa anak niyo di mag-anak kayo ng iba hannga’t makakuha kayo ng perpektong hugis. Pero yung mga bata hindi makakpili ng magulang. Kaya maawa kayo sa mga bata…Wag niyo silang bibigyan ng mahabang pangalan. Dapat UNIQUE at MADALING TANDAAN. Wag yung tapos na yung exam nagsusulat palang sila ng pangalan...”
3) “Respeto sa matatanda. Wag na wag yan mawawala...kahit mga pulubi, kahit mga nagbabasura…kasi walang nagbibigay sa kanila ng ganun. Walang nagbebless sa kanila. Ano ba naman yung magbless ka sa kanila bago sila mamatay. +knock,knock+ malaking kaligayahan na sa kanila yung ganun…dahil darating din ang panahon na TATANDA RIN KAYO.”
4) “SA LAHAT NG GAGAWIN NIYO, IBIGAY NIYO ANG BEST. Kahit sa pag-tae niyo. Magcoconcentrate kayo. Kaya ang tagal-tagal niyo sa banyo hindi kayo nagcoconcentrate... Damhin niyo ang tunog ng pag-tama ng tae sa tubig +plok+ at ang pagtalsik ng tubig sa puwet.”
5) “Kapag kumakain kayo, namnamin niyo ang pagkain…tignan niyo yung mga pranses. Hindi sila tumataba. Kasi ninamnam nila ang pagkain…”
6) “Wag niyo kalilimutan mag-sabi sa magulang niyo ng I LOVE YOU. Kung may galit kayo sa magulang niyo, kalimutan niyo na galit niyo na. isa lang ang magulang niyo…habang buhay pa mahalin niyo.”
7) “kung bading ka wag ka magdadamit babae at kung tomboy ka wag ka magdadamit lalaki dahil MASAGWA…Respetuhin mo yung damit…Para igalang ka ng mga taong nakapaligid sayo. ”
8) “Kapag meron kang kaibigan, MAHALIN MO HIGIT PA SA TUNAY MONG KAPATID. Dahil mahirap makakita ng tunay na dadamay sayo sa lungkot at saya…wag mong ipagpapalit ang BESTFRIEND mo sa JOWA mo. Pero jackpot ka pag yung bestfriend mo jowa mo.”
9) “Wag maghihiganti. Maniwala kayo sa karma. Anong magagwa niyo? Halimbawa patirin mo, di tapos na yung paghihiganti mo, mas malala pa ang balik sayo. Hayaan mo ang karma o ang panginoon ang siyang gumanti para sa’yo…Tiyak yun, BONGGA.”
10) “Magsimba paminsan-minsan…kung hindi mo trip ang pari…sa krus ka na lang tumingin. Marami kang marerealize.”
11) “Ano bang masamang mahalin ang kapwa gender? LOVE GOES BEYOND GENDER. Bakit ang sabi naman sa bible, ‘mahalin mo ang kapwa mo’ wala naming sinabing ‘mahalin mo ang kapwa mo na babae lang’ o kaya ‘lalaki lang’. yun nga lang masagwa. Pero wag niyo kakalimutang TAO rin sila.”
12) “Maging loyal kayo sa minamahal niyo. Dapat isa lang. Mahalin mo siya ng buo…para makusensya syang iwan ka.”
13) “wag kayo magaa-outing bago nagraduation. Hintayin niyo muna matapos ang graduation bago kayo magsaya, kasi totoo. May mangyayaring masama…”
14) “Manuod kayo ng ANIME. Mas marami kayong matutunan dun kesa sa mga tao...”
15) “Ang edukasyon ay hindi natatapos sa paaralan. Dahil ang mundo ay mas malaking paaralan. Mas marami kayong matututunan paglabas niyo. Makakasalamuha niyo lahat ng klase ng tao. May mapanlamang, mapanlinlang…”
16) “kung may pangarap kayo, abutin niyo. Pero hindi ko ipapayo sa inyo na gawin niyo lahat dahil masama yun. Kung hindi mo naabot ayos lang. tatandaan niyo, ang kaligayahan ay hindi sa pagkamit ng tagumpay kundi ang natatamo mo sa araw-araw mong buhay…”
17) “Mahalin niyo si Manny Pacquiao. Simbolo siya ng Pilipinas. Siya ang kauna-unahang boksingerong nakatungtong sa white house. Siya lang ang nakakapagpatigil ng trapiko Kapag laban niya. Pati yung crime rates wala, as in zero (0). ”
18) Mahalin natin ang bansa natin. Dahil kapag hindi minahal ng Pilipino ang bansa natin wala nang ibang magmamahal dito. Hindi to mamahalin ng mga amerikano dahil may sariling silang bansa. Kung hindi niyo mamahalin ang Pilipinas wala nang ibang magmamahal dito.
19) “Mahalin niyo lang ang Diyos, ang bayan, at inyong bayan, mabubuhay kayo ng masagana.”
--tanda ku p rin ung una ku natutunan kay sir jorico...ung traffic jam,,haha..kakatuwang isipin dahil nakarating aku nun ng college na di ku alam ang meaning nun. Mainit nun ang room naten. Andun kasi kame sa room 2020...pero ayos lang...sa t'wing sya yung prof...naeexcite aku at natatakot..natatakot aku n tawagin sa recitation at walang maisagot..pero...ayos lang kahit mapahiya aku..alam ku aman na di aku ngaral so i deserved it.
-tanda ku p...tuwing exam namen,,,hilig nya magpatawa...naddistract aku s mga jokes nya...
"anu toh?"
-baril
"eh anu toh?"
-kutsilyo
"baril...iba ln an hawakan, eh anu to (mukang pana)"
-hmmmm
"baril p din iba ln uli handle..."
-hahaha
-sya ln ung nagtuturo ng batas na may kasamang "lalalala"...may sound effects...nkakatuwa...si sir yung pumrotekta smen...tumulong...kung hindi dahil skanya...hindi ku lam kun anung kinabukasan ang haharapin namen...sya lang yung nkapansin s block namen at sinabing..."kahit bobo kayo..at least nagsisikap kayo",haha...hindi ko alam pero kahit ilang beses nya kme laitin, murahin etc...hindi ku magawang magalit o mainis...siguro kasi...ewan ku...di ko talaga alam...
madali syang kausap lalo na pag usapang estudyante. Mabait, matalino at nirerespeto...bakit hindi???
nagsilbi syang inspirasyon lalo na nung sinabi nyang..."kapag gumaraduate kayo on-time, aabangan ko kayo sa baba ng stage at kakamayan...lahat din ng gagraduate on-time..bibigyan ko ng isang libo!"
bkit hindi ku gugustuhin gumaraduate on time? haha...
kahit hirap aku sa thesis ku,,ipaglalaban ku un at sigurado ku lahat kame gnun ang nararamdaman...
GAGRADUATE AKO! dhil hindi ku sasayangin ang pagtitiwalang binigay ng mga prof xken..at dahil SAYANG ANG ISANG LIBO! haha
No comments:
Post a Comment