Wednesday, June 1, 2011

Wala Lang

Hindi ko alam ang gusto ko idiscuss ngayon...kung ano ang gusto ko sabihin o ishare sa madlang pips...Siguro maya maya,,,alam ko na,,,

eto na..

nakakatuwang isipin na totoong may Diyos at nangungusap sya sa'ten. May mga bagay na pinipigilan Niya ko gawin pero dahil matigas ang ulo ko, hindi ko yun palaging nasusunod...today muling gumawa ng paraan si Lord para iremind me tungkol sa mga bagay na para bang nalilimutan ko na...

One month na kong unemployed and I have attended several interviews already however i always fail and honestly, naiinis ako and dumadating ako palagi sa point na it feels like i find God very annoying. And i hate myself for having such a terrible feeling...Napaka selfish ko,,,napaka tanga ko...nalimutan ko na never gumawa si Lord ng something na ikasisira naten. So i typed here the things God made me realize today with the help of my friend Loid.

1. God is a perfect God. Oh yes! He is, at dahil perfect Siya, He doens't want us to be imperfect. May mga bagay na perfectly fit for us and He, as God, prepares that thing for us. Ayaw Niya ng basta meron lang...ang gusto Niya..THE BEST!

2. Do not wait, SEEK! H'wag tayong maging parang si Juan Tamad lang. H'wag tayo magabang ng grasya. Wala yung paa para lumapit sa'ten at wala yung kamay para hilahin tayo palapit sa kanya. If we want results, we have to act. Ang magsasaka ba may maaani kung di naman siya nagtanim?

3. Prayers are powerful so be careful. Hiniling mo to, hiniling mo yan...lahat na sige iyo na...anak ka ng Diyos eh! pero pag makuha mo na at magdulot ng something negative in your life, sisihin mo si God eh kung di ka isa't kalahating buang, ikaw ang humiling nun, pinagbigyan ka lang dahil mukang halimaw yang muka mo pag di mo nakuha gusto mo. tsk tsk

4. Minsan nakukuha mo ang isang bagay dahil God allowed you to have it. Minsan naman nakukuha mo yun kasi God really wants you to have it.

my friend, kung may bagay man na hindi binigay si Lord sa'ten, sana maisip naten na di talaga yun para sa'ten..that it would be so much better if we would just let God take charge. I believe that God talks to me through my friends. Nagpapasalamat ako dahil hindi man ganun kabait, katino, kastudious or kabonnga mga kaibigan ko, tinulungan nila ko mapalapit at mas makilala ang Diyos na dati minumura ko lang. Ang totoo pag may problema ka, mahirap maniwala..totoo yan. Naranasan ko na rin yan at sa t'wing masasaktan tayo mas lalong mahirap magtiwala pero sa Kanya pa rin eh...Kay Lord pa rin tayo p'wede tumakbo kasi Siya yung hindi nagtataboy sa mga taong gustong mapalapit sa Kanya. Yung arms Niya, kayang yakapin ang lahat ng taong nais rin yumakap sa Kanya. Siya lang yun eh.

Kapag may problema ko o mga bagay na hindi ko kayang sabihin sa iba, I talk to God. Sa Kanya ko umiiyak. Minsan kasi parang alone ako o kahit hindi, i just wanna be on my own pero di ko kaya eh...I run to Him.

Hindi tengang kawali ang Diyos. Naririnig Niya tayo. Magtiwala tayo.

No comments:

Post a Comment