Showing posts with label tagalog muna. Show all posts
Showing posts with label tagalog muna. Show all posts

Friday, July 29, 2011

the CRAZY little thing

whoah...i was surprised but what i did yesterday (july 29)...haha

I did a crazy thing...who would have thought that a careless creature like me would go down from the jeepney just to save a man whom i thought had no umbrella when in fact he had! craaaazy...

the story goes like this...

galing kame sa mall and then umuwi na kame. Nung pauwi na kame, sumakay kame sa jeep tapos nung time pa lang na yun madilim na yun sky. Sabi ko 'uulan na..' at sagot naman nya 'oo nga eh, bibilisan ko na lang maglakad'. At ayun nga bumaba na sya..Nung pagbaba nya...nakatingin sya dun sa jeep na kinalalagyan ko at biglang bumuhos ang malakas na ulan.....nagalala ko..tinawagan ko sya at tinanung kung may payong sya...sabi nya stranded daw sya sa ulan..sabi ko wag syang aalis...babalikan ko sya....at ayun ga bumaba ang sira ulong si ako!...naulan! sinalubong ko ang mga jeep..napakalayo na kasi nun narating ng jeep sa binabaan nya...at pagkarating ko..tinawagan ko sya ule pra tanungin kung asan na sya..'andito malapit na sa bahay'


xunga...


wg kcng martir...natatawa na lang aku...hahahaha

kabubung bata...

Wednesday, June 1, 2011

Wala Lang

Hindi ko alam ang gusto ko idiscuss ngayon...kung ano ang gusto ko sabihin o ishare sa madlang pips...Siguro maya maya,,,alam ko na,,,

eto na..

nakakatuwang isipin na totoong may Diyos at nangungusap sya sa'ten. May mga bagay na pinipigilan Niya ko gawin pero dahil matigas ang ulo ko, hindi ko yun palaging nasusunod...today muling gumawa ng paraan si Lord para iremind me tungkol sa mga bagay na para bang nalilimutan ko na...

One month na kong unemployed and I have attended several interviews already however i always fail and honestly, naiinis ako and dumadating ako palagi sa point na it feels like i find God very annoying. And i hate myself for having such a terrible feeling...Napaka selfish ko,,,napaka tanga ko...nalimutan ko na never gumawa si Lord ng something na ikasisira naten. So i typed here the things God made me realize today with the help of my friend Loid.

1. God is a perfect God. Oh yes! He is, at dahil perfect Siya, He doens't want us to be imperfect. May mga bagay na perfectly fit for us and He, as God, prepares that thing for us. Ayaw Niya ng basta meron lang...ang gusto Niya..THE BEST!

2. Do not wait, SEEK! H'wag tayong maging parang si Juan Tamad lang. H'wag tayo magabang ng grasya. Wala yung paa para lumapit sa'ten at wala yung kamay para hilahin tayo palapit sa kanya. If we want results, we have to act. Ang magsasaka ba may maaani kung di naman siya nagtanim?

3. Prayers are powerful so be careful. Hiniling mo to, hiniling mo yan...lahat na sige iyo na...anak ka ng Diyos eh! pero pag makuha mo na at magdulot ng something negative in your life, sisihin mo si God eh kung di ka isa't kalahating buang, ikaw ang humiling nun, pinagbigyan ka lang dahil mukang halimaw yang muka mo pag di mo nakuha gusto mo. tsk tsk

4. Minsan nakukuha mo ang isang bagay dahil God allowed you to have it. Minsan naman nakukuha mo yun kasi God really wants you to have it.

my friend, kung may bagay man na hindi binigay si Lord sa'ten, sana maisip naten na di talaga yun para sa'ten..that it would be so much better if we would just let God take charge. I believe that God talks to me through my friends. Nagpapasalamat ako dahil hindi man ganun kabait, katino, kastudious or kabonnga mga kaibigan ko, tinulungan nila ko mapalapit at mas makilala ang Diyos na dati minumura ko lang. Ang totoo pag may problema ka, mahirap maniwala..totoo yan. Naranasan ko na rin yan at sa t'wing masasaktan tayo mas lalong mahirap magtiwala pero sa Kanya pa rin eh...Kay Lord pa rin tayo p'wede tumakbo kasi Siya yung hindi nagtataboy sa mga taong gustong mapalapit sa Kanya. Yung arms Niya, kayang yakapin ang lahat ng taong nais rin yumakap sa Kanya. Siya lang yun eh.

Kapag may problema ko o mga bagay na hindi ko kayang sabihin sa iba, I talk to God. Sa Kanya ko umiiyak. Minsan kasi parang alone ako o kahit hindi, i just wanna be on my own pero di ko kaya eh...I run to Him.

Hindi tengang kawali ang Diyos. Naririnig Niya tayo. Magtiwala tayo.

Thursday, November 18, 2010

I MISS THE FEELING

..hmmm..kanina nakachat ko ang aking friend na..well..somehow special sa'ken,,,namiss ko ang kilig...crush ko kasi sya at ok kame...maraming taon kame di nagkita pero nung magkita ule kame, nagkita ule kame kinabukasan at nagkakwentuhan ng matagal. Namiss ko sya ng sobra at narealized ko yun nung kasama ko na sya. Mahabang oras kame nagkakwentuhan nun time na yun at nakakatuwang isiping ganun pa rin sya except sa mas close kame ngayon di gaya ng dati na hindi kame nakakapagusap. Inilibre pa nya ko ng burger at sinamahan na magpalipas ng oras. Siguro naging crush ko sya kasi nakikita ko sakanya yung picture ng taong karapat dapat pagkatiwalaan. Well may gf sya at wala akong planong paghiwalayin sila dahil matagal na rin sila at sa tingin ko mahal talaga nya gf nya...sadyang crush ko lang sya. Yun lang yun. Masaya ko para sakanya at alam ko "she" is a very lucky girl for having cat in her life. Ahm, sana may katulad pa nya sa mundo.
heto nga pala ang magulo nameng usapan...haha

cat:ako meron na talga baby

me:asa k aman...hahanap muna ku ama bgo baby

haha

cat:pero promise mom wag u pasbi ha

me:oh? anung klaseng baby? haha...mom k jn?nanay mu ku?haha

cat:hehehe

me:hehe k jn...anu n? anung klaseng baby? aku umamin n...may baby nga ku..haha..kaw in denial p?

cat: hahaha...baby na cat

me:haha,,kean k p nhilig s pusa?

cat:simula pag ka bata

me:ngek,,,akin n yan..patayin n! haha

cat:bakit mo paatayinp...kaw talaga

me:3p ku ln,,hehe...c michele din me fb?

cat:share kami bakit?

me:ahhh...hahuntingin ku sna...haha...imbayt ku ln....2h kun makapagtanung para amang my gagawin aku masama s asawa mu..nku nku nku

cat:hoy

me:bkit?hoy k din!

cat:papapolice kita

me:ngek...bkit?

cat:wala lang...hehehe

me:adik ka! wag k kc mag drugs ha? bad yun tsk tsk

cat:kc your not an animal lover lagot ka sa pet...drugs

me:haha...eh my pet nga ku fish eh!

cat:fish ball!!!!!!!!!!

me:ui hanap ka work ha? tas svhen mus ken kun madali ln para kapag madali apply aku pag inde...inde...haha...FISH nga! d ku nga lng lam uri...

cat:fish ball nga un uri!!!!

me:bangag! haha..inde fish crackers,,haha

cat:okaya naman fish fellet!!! hehehehe

me:haha,,puo pagkain..para mu n ring cnavng an takaw ku..haha

cat:ou nga ur using ur pet para matago ung pagkatakaw mo hehehehe...hahaha

me:haha,,,adik...kaw n ln papatayin ku para d mu n ku akusahan...haha

cat:hehehhe..adik

me:tawa? tawa? tawa? anu ku clown?hahahaha...kaw an adik...bleeeeeehhhh...2wing kean kaw my pasok s skul?

cat:bleeh ka din d ako clown ikaw kc u make me happy hahahha

me:nageenjoy ka maxado...clown pala ku ah...oh! magbayad k n ng talent fee ku! haha

cat:tsaka piso lang naman tf mo eh

me:piso k jn...me kasalanan k p sken...d mu q binati nun bday ku..grrrr..gift ku?haha

cat:ai ou nga pala happy bady

me:tapos n...bleeeehhh..gift ku?

cat:sa ka na...pag bday na ulit sorry late pag bati

me:tsk tsk...ocge...hmmm..alis muna ku...punta ku skul..paxray ULE..grrrr


ayun..angulo di ba? ang usapan lang talaga namen trabaho...bigla kame napunta sa hayop...natutuwa ko na marinig mula sakanya na napasaya ko sya kahit nasabihan pa kong clown ng baliw na yun..haha...pasalamat sya...kinikilig ako sa kanya...ang baduy..kadire...grrr

Wednesday, November 17, 2010

Walang Titulo

patawad dahil ang gusto ko lang siguro gawin ngayon...malungkot...Hindi ko alam...pero nakakalungkot...nalulungkot ako..dahil ba ito sa video ko na tinanggal ng youtube? hindi ko alam. Dahil nagbrown out kanina? ewan ko lang. Dahil di ko nagawang ipost o tapusin man lang yun speech ng pasasalamat para sa mga bumati sa'ken? hanggang ngayon ginagawa ko pa rin. Dahil ba sa mga masasamang balita sa tv? di ko alam. Dahil ba nababaliw na ko? siguro nga.
Hindi pwedeng malungkot ako ng walang dahilan pero pano yun? eh wala naman akong dahilan para sumaya? Yung puso ko...parang...parang may kulang...hindi kumpleto. Hindi nagpafunction ng maige. At para bang ayaw...ayaw gawin ang bagay na matagal na nitong dapat nagawa kung hindi lang nabigo.
Minsan...sinubukan kong magtiwala. Akala ko totoo. Yun pala...hindi ko alam. Siguro may part na totoo pero panandalian lang. Niloko ko ang sarili ko, niloko nya ko. Hindi yun ganun kasakit dahil mga bata pa lang kame nun pero yung epekto siguro habang buhay na...Minsan gusto kong maniwalang may totoo pa sa buhay ko. Na balang araw pwede na ko magtiwala uli at di na mabigo. Na may magtatagal...pero alam ko naman in the first place ako talaga ang problema kaya hindi nangyayari yun eh. Kasi masyado ako attached sa past experiences ko. Iisa lang ang tingin ko sa lahat. Kahit kaibigan ko kasi natraydor ako kaya bakit pa ko magtitiwala? Kung ang kaibigan ko natraydor ako, anu pa ang iba? Kung minsan naiisip ko, masarap siguro mag open up sa isang di mo close. Makipag one on one tagayan.Yung taong kilala ka lang sa pangalan at sya din ganun at pagkatapos...kalimutan na ang nasabi. Umarte na parang walang naganap. Masarap siguro yung ganung feeling.
i mis my old self. Yung maldita, war freak and very confident. Yung kayang ipagsigawan sa madlang "ang ganda ko". Yung BABAENG AKO. Yung TUNAY NA AKO NA GUSTO KO ITAGO SANA...pero kasi hindi ko kaya. Ang dami ko gusto itago, itapon, kalimutan at ibahin. Pati nga gender preference ko minsan eh.
Ang totoo naiisip ko na rin minsan mag pakalalaki pero...ayoko eh. Lahat ng girls sa paligid ko, akbayan ko man, ibeso beso, lambingin, sabihan ng iloveyou, banatan...lahat sila...hanggang dun lang. May ibang lumalapit pero alam ko pa din siguro ang gusto ko. May mga nagiisip na lalaki ko and last November 15 lang..natanong ako sa inuman..."Kaibigan mo si loid, kaibigan mo si pearl, si nher, si mads, you've been with them and everyone knows kung ano ba talaga sila eh ang gusto ko lang malaman..curious lang ako, may girlfriend ka din ba?" at ang sabi ko lang..."Gusto nyo talagang malaman? ok sige. (tagay alak) NBSB, NGSB". yeah, maniwala man sila o hindi, tanungin man nila ang lahat ng butiki sa bawat sulok ng bahay namen o isama na rin naten ang nanahimik kong unan, pati na rin si Mr. Kupido...TOTOO yun. I never had a bf nor a gf. I've never been in a romantic bond. I have never been in a mutual partnership. Siguro nagkaron ng romance pero parang joke lang dahil wala namang nagtagal. Hindi ako sigurado kung nainlove na ko pero i admit, may gusto ako. Nagkagusto. at syempre hindi gaya ng movies, hindi ako nagustuhan.
Three main reasons bakit di pa ko ngjojowa.
1. hindi ako maganda.
2. hindi ako sexy.
3. hindi ako ma appeal.
in other words, di ako interesting. Sa twing may kwentuhan, ako yung "OO NGA. GANUN NGAYON","OH? GANUN PALA YUN? NOW I KNOW".
nakakatuwa. nakakabangag.
hmmm...Siguro malungkot ako kasi...wala akong taong mapagsabihan na malungkot ako. Kasi may mga taong nagsasabing "Andito lang ako para sayo..makikinig ako" pero pag sinimulan mo magkwento ang sasabihin lang nila "ok lang yan" at hindi naman sila talaga nakinig. Kasi may mga taong yayakapin ka habang umiiyak ka pero tatawanan ka lang. Kasi may mga taong sila lang ang pwede pakinggan pero di pwede makinig. Nalulungkot ako kasi life is unfair.
Pano naman ako? Naghahanap ako ng taong nakakaalam na hindi lang saya ang meron sa ngiti ko kundi lungkot, galit at kalokohan. Yung taong pwede ko isama sa sinehan ng di pinipilit. Yung taong pwede tumambay kasama ko sa kung saan saan. Yung taong makikinig din. Yung taong kaya akong tingnan ng mata sa mata hindi lang para sabihing may muta ako kunde para din sabihing "Bakit ka umiyak kagabi?". Yung taong pupunasan yung dumi sa labi ko hindi dahil nahihiya syang makita ng ibang taong may kasama syang madungis kunde dahil ayaw nya ko mapahiya. Yung taong magbibigay at pag suklian mo, itatago yung sukli. Yung taong kahit kaibigan ka lang at forever na magiging kaibigan lang sa buhay nya...hindi ka pababayaan. Kahit may iba ng nakahihigit, may puang pa rin sa puso nya kahit kunte...kahit kaibigan lang. Yung taong di ka iiwan kahit naman kinaibigan ka lang para lang makasama nya yun gusto nya talaga. Haha..too bad...walang ganun.
Ang kalungkutan ku...wala kumpara sa iba. Nakakatawang kalungkutan. putek ang drama.

Thursday, April 22, 2010

advice

hmmm...

naisip ko lang....

ang tao di naman talaga kailangan ng mag aadvice sa kanila kasi kahit ilang beses naman naten itangge..alam naten sa sarili naten at alam din ng ibang tao na alam naten ang gagawen kapag dumating o nararanasan naten ang sitwasyong yun...kahit naman ilang ulit tayong bigyan ng advice ng kahit sino..kahit ng pinaka matalino pang tao sa buong mundo...for sure di tayo makikinig kung ayaw naten ng pinagagawa nya...simple lang..kasi may sarili tayong pagiisip

ang kailangan naten..taong magsasabe saten na tanga tayo.OO.kailangan naten ng taong magsasabi na BOBO,TANGA,STUPIDA,..DI NAGIISIP...tayo...bakit?kasi yun yung gusto nateng marinig...yun yung hinihintay nating marinig mula sa ibang tao.Kahit ilang beses pa naten iumpog ang sarili natin sa pader,semento,bakal,poste o pukpukin mu ng martilyo at baunan mo ng concrete nail ang ulo natin..walang silbi..mamatay lang tayong tanga,baliw..pinaniniwala ang sarili nateng wala ng pag asa at bobo tayo forever...

tanggapin naten ang katotohanang ito...

siguro nga bawat tao may kanya kanyang katangahan...

ikaw anu ba sayo?

wag k mag alala di lang ikaw ang tanga...ako rin..di ka nagiisa...

buset...